Pangulong Duterte balik bansa na mula sa pagdalo sa ASEAN Summit sa Thailand

0
55

Nasa bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagdalo sa summit ng Association of Southeast Asian Nations sa Bangkok, Thailand.

Sa isang statement, binigyang diin ng Malakanyang na naging produktibo ang pagdalo ng pangulo sa ASEAN Summit.

Nagkaroon umano ito ng pagkakataon na hikayatin ang Amerika at ang China na resolbahin ang hindi pagkakaunawaan dahil apektado na ng kanilang trade war paglago ng ekonomiya sa buong mundo.

Hiniling rin umano ng pangulo sa ASEAN na patatagin pa ang multilateral trading na nakabase sa mga panuntunan.