Joint investigation ng Pilipinas at China sa Recto Bank incident walang lohika — Ex DFA Sec Del Rosario

0
55

Walang lohika ang joint investigation ng Pilipinas at China sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.

Pahayag ito ni dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahing joint investigation kasama ang China.

Ayon kay Del Rosario, hindi uubra ang ganitong sistema dahil parang inimbistigahan lang ng China ang kanyang sarili.