Pangulong Duterte ay isang abogado at alam niya ang kahalagahan ng konstitusyon yan ang idenipensa ni Capiz Rep. Castro

0
47

Idinipensa ni Capiz Rep. Fredenil Castro ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito na walang kwenta at hindi pinag isipan ang probisyon ng konstitusyon na kailangan protektahan ng estado ang Exclusive Economic Zone.

Ayon kay Castro, Outgoing Vice Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, si Pangulong Duterte ay isang abogado at alam niya ang kahalagahan ng konstitusyon.

Aniya, posibleng hindi naman seryoso ang Pangulo sa pagyurak ang Saligang Batas.

Sinabi pa ng Pangulo na bahagi lamang ito ng makulay at mapaglarong pananalita ng Pangulo.