Mayor Isko Moreno bigong maranasan ang manguna sa Flag Ceremony sa una araw dahil sa bagyong Egay

0
50

Bigong maranasan ni Manila Mayor Isko Moreno ang manguna sa Flag Ceremony sa kanyang unang araw sa pwesto.

Ito ay dahil sa pagbuhos ng ulan dala ng Habagat na pinalakas ng Bagyong EGAY.

Dahil pa rin sa matinding buhos ng ulan, kinansela na ni Mayor Isko ang klase sa tanghali sa lahat ng antas pampubliko at pribadong paaralan.

Inilahad naman ng alkalde ang susundin panuntunan sa pag anunsiyo ng suspensiyon ng klase.

Aayon kay Moreno, alas 8 ng gabi ang pinakamaagang anunsiyo ng Class Suspension para sa kunabukasan habang alas 4 naman ng umaga ang pinaka-late.

Ilalabas ang anunsiyo sa kanyang Verified Social Media Account at sa Official Account ng Manila Public Information Office.