Pangulong Duterte at Nur Misuari muling magkikita

0
55

Masusundan pa ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Duterte matapos dumalo sa ground-breaking ceremony ng 70 million peso Isabela City Gymnasium sa Basilan, kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, kabilang sa kanilang pag-uusapan ni Misuari kung anong gagawin sa mga teritoryong saklaw ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

—-