Oil price adjustment asahan na ngayong unang linggo ng Marso

0
45

Asahan na ngayong unang linggo ng Marso ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Isa sa mga unang nag-abiso ng price adjustment ang Shell na magpapatupad simula ala-6:00 ng umaga bukas ng dagdag na P0.10 sa kada litro ng gasolina; P0.10 na tapyas sa diesel at P0.35 sa kerosene.

Magugunitang inilarga rin ng oil company ang dagdag presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggong paggalaw ng presyo ng mga oil product dulot ng adjustment sa international market.

—-