Pangulong Duterte ang mismong nakiusap kay Velasco na sa Disyembre na lamang ang palitan ng liderato sa Kamara

    0
    36

    Inamin mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hiniling ni Pang. Rodrigo Duterte Kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na iusog na lamang sa Disyembre ang palitan ng liderato sa Kamara.

    Ayon kay Cayetano, paulit-ulit na hiniling ni Pangulong Duterte kay velasco na ipagpaliban muna ang term-sharing agreement upang hindi maapektuhan ang deliberasyon sa budget para sa susunod na taon.

    Gayunman, sinabi ni Cayetano Na sa kabila ng paki-usap ng pangulo kay velasco na huwag munang isingit sa ngayon ang usapin sa term-sharing ay makailang beses naman aniya itong ibinasura ni Velasco gamit ang iba’t-ibang rason.

    The president ask not to give me a few months as Speaker but  because is the good for the country, hindi para kay Alan to dahil sa budget ito. But this appeal to Congressman Velasco was rejected many many times despite the reasoning given. Sabi ko Lord hindi naman natin pinaguusapan ang petsa, it’s not about you and me but it’s all about the budget. No Mr. President dapat September 30 na ako eh so pang-apat na beses tinanong ni President siya kung payag siya ng December no extension daw, Mr. President salita mo ito baka walang maniwala sayo. ani Cayetano