COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 311, 694 —DOH

    0
    35

    Umakyat na sa 311, 694 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

    Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos maitala ang 2, 426 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

    Nangunguna pa rin ang metro manila sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na nasa 887, sumunod ang Cavite – 201, Rizal – 147, Negros Occidental – 115 At Batangas – 99.

    Pumapalo na sa 253, 488 ang total recoveries kung saan kabilang ang 585 na mga bagong gumaling sa nasabing sakit.

    Limamput walo naman ang panibagong nasawi sa COVID-19 kayat sumirit na sa 5,504 ang death toll sa naturang virus.

    Nasa 52,702 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 86. 4% ang mild, 9% ang asymptomatic, 1. 4% ang severe at 3.2%  ang critical condition.