Pangulo pinangunahan ang ceremonial signing ng BOL

0
57

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga Pilipino na bigyan ng tiyansa o pagkakataon ang Bangsamoro Organic Law o BOL para makamit ang adhikain ng mga Bangsamoro na magkaroon ng sariling autonomiya.

Sa kanyang talumpati sa “ceremonial signing” ng BOL kahapon sa Malacañang, hinikayat ng Pangulo ang mga kapatid na Bangsamoro, maging ang mga indigenous communities at Christian settlers sa loob ng Bangsamoro areas na aktibong makibahagi sa diskusyon ukol sa bagong batas.

Hinimok din ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga ‘stakeholders’ na makibahagi sa gaganaping plebisito para ihayag ang saloobin sa pamamagitan ng balota.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang Bangsamoro Transition Commission, Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) dahil sa pagiging determinado ng mga ito na maisabatas ang BOL.

“May this serve as the final trajectory for the attainment of genuine peace, stability, [and] good governance in Muslim Mindanao.”

“But more importantly, I encourage you to take part in the upcoming plebiscite so that you may express your sovereign will through the ballot.”

“Let us work together as we continue the healing and reconciliation process. Let us give this law a chance to address the Bangsamoro people’s aspiration for genuine autonomy, while preserving our bond as a single nation and affirming the sovereignty of the indivisible Republic of the Philippines.” Pahayag ni Pangulong Duterte

—-