Isang dating pulis na nasa drug ‘watchlist’ patay sa buy-bust sa Valenzuela

0
51

Isang dating pulis ang patay matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Malinta, Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Retired Police Officer 2 Exequiel Sangko, na kabilang umano sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, naglabas ng 9-mm pistol si Sangko matapos makaramdam na isang PDEA agent ang kaniyang ka-transaksiyon.

Hindi na umabot ng buhay ang suspek sa Dalandanan Emergency Hospital.

Nakumpiska mula kay sAngko ang mga hinihinalang shabu at baril.

 (Ulat ni Gilbert Perdez)