Pangulo ng Bolivia nagbitiw na sa pwesto

0
21

Nagbitiw na bilang Pangulo ng Bolivia si Evo Morales.

Kasunod ito ng pagbawi ng armed forces at ng pulisya ng kanilang suporta kay Morales sa harap na rin ng malawakang protesta laban sa muling pagkakahalal kay Morales.

Dahil dito, nagmistulang fiesta sa mga kalsada ng La Paz Bolivia dahil sa selebrasyon ng mga tutol sa pamamahala ni Morales.

Samantala, nagpahayag ng kahandaan ang Mexico na bigyan ng asylum si Morales kasama ang may 20 n’yang dating opisyal.