Tuesday, April 30, 2024

Pagbili ng body cam nakabinbin dahil sa natuklasang pangingikil na nangyari — Gamboa

- Advertisement -

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) kung patuloy na nakabitin ang pagbili nila ng body cam na pwedeng gamitin upang maging transparent ang drug war operations.

Ayon kay PNP OIC, Lt General Archie Gamboa, nabinbin ang pagbili nila ng body cam dahil tatlo sa mga miyembro ng technical working group ng Bids and Awards Committee (BAC) ang natuklasan n’yang nangingikil sa mga kalahok sa bidding.

Sinabi ni Gamboa na bilang chairman noon ng BAC ay agad nya sinibak ang tatlong opisyal na kinilala nyang sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan at Police Major Angel Beros.

Nahaharap anya sila ngayon sa kasong administratibo na maaaring mauwi sa tuluyang pagkasibak sa serbisyo.

Sa ngayon anya ay mayroon nang bagong technical working group at nagpapatuloy na ang bidding kung saan kalahok ang anim na bidder.

Umaasa si Gamboa na makumpleto ang pagbili ng body cameras bago matapos ang taong ito dahil mapapaso na ang pondo na nakalaan dito sa December 31. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img