Friday, May 17, 2024

Panglao Bohol sunod na aayusin pagkatapos ng El Nido

- Advertisement -

Binalaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga establisimiyento sa mga tourist spots na hindi sumusunod sa regulasyon pagdating sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, desidido ang pamahalaan na linisin at ayusin ang lahat ng tourist spots sa bansa tulad ng ginawa sa Boracay Island.

Kasado na aniya ang rehabilitasyon sa El Nido Palawan kung saan mahigit sa dalawampung (20) establisimiyento ang ipinasa at posibleng kasuhan.

Napag-alaman kay Antiporda na pagkatapos ng El Nido ay posibleng isunod na nila ang Panglao sa Bohol.

“Of course kakasuhan ‘yan para mapatawan ng tamang penalty na para doon sa ginawa nilang damage sa environment natin, after El Nido, Panglao ang isusunod kaya mabuti na mag-ayos-ayos na sila doon kung hindi malamang sara ang abutin nila.” Pahayag ni Antiporda

 (Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -