Thursday, May 2, 2024

LTFRB bubuo ng formula na magtatakda ng pasahe sa jeep at bus

- Advertisement -

Nagsimula nang bumuo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng formula para sa pagtatakda ng pasahe sa jeepney at bus.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, bumuo na siya ng technical working group para gumawa ng fare methodology.

Sa pamamagitan nito aniya mas mabilis na makakapagpasya ang LTFRB sa galaw ng pasahe kapag bumababa o tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.

“Kung sasabihin nating deregulated ‘yung isang industriya tapos may epekto doon sa isang regulated industry papano ‘yan? The way to describe this is yung stability din ng fare rate na hindi rin siguro gagalaw as often ‘yung pamasahe otherwise magdudulot ito ng kalituhan. Palagay natin na sa susunod na araw gagalaw ang presyo ng krudo, tataas tapos itataas natin ang pamasahe, sa susunod bababa ang presyo ng krudo, ibababa rin ang pamasahe, there must be a formula in which we can say na ito lang ang galaw.” Ani Delgra

Samantala, ikinasa na rin ng LTFRB ang pagdinig para sa petisyong ibalik sa P8 ang pasahe sa jeepney.

“Naghain sila ng sulat petisyon although it’s not in accordance with the requirement doon sa rules of procedure natin pero tinanggap pa rin natin para dinggin ang petisyon nilang ibaba ang presyo, it was decided to hear the case set this month.” Pahayag ni Delgra

(Tolentino Online Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img