Panganib na dulot ng pagbebenta ng convalescent plasma ibinabala ng DOH

0
9

Ibinabala ng Department of Health (DOH) ang malaking panganib na dulot ng pagbebenta ng convalescent plasma ng mga gumaling na pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa gitna na rin ito ng mga report ng patuloy na bentahan ng convalescent plasma mula sa mismong recovered patients, hospital staff at fixers.

Nakatanggap din ng report ang DOH hinggil sa ilang indibidwal na sinasadyang magpahawa sa COVID-19 para maibenta ang kanilang convalescent plasma kapag gumaling.

Ayon sa DOH, mapanganib ang ilegal na pagbebenta ng convalescent plasma dahil maaari itong magdulot ng transfusion transmissible infections tulad ng HIV, hepatitis at malaria.

Mahaharap sa kaso sa ilalim ng Republic Act 7719 o national blood service act ang sinumang mahuhuling sangkot sa hindi otorisadong pagbebenta ng convalescent plasma.