Pangalan ng mga pulitiko sa mga school building pinaaalis ni Isko

0
59

Pinaaalis ni Manila Mayor Isko Moreno sa Manila School Board ang pangalan ng mga pulitiko sa mga gusali ng mga paaralan sa lungsod.

Sinabi ni Moreno sa pakikipagpulong sa school board na hindi dapat nakalagay ang pangalan ng mga pulitiko sa mga eskuwelahan lalo na’t hindi naman nila aniya pera ang ginamit sa pagpapatayo ng mga nasabing gusali.

Pati aniya pangalan niya ay buburahin sa mga paaralan.