Monday, May 6, 2024

Iba’t ibang uri ng armas nasabat sa NAIA – BOC

- Advertisement -

Nasabat ng Bureau of Customs ang mga baril, bala at gun parts sa DHL Warehouse sa NAIA sa loob ng tatlong araw.

Ipinabatid ni BOC NAIA District Collector Carmelita Talusan na nakuha nila sa tatlong araw na operasyon nitong nakalipas na July 1, 4 at 7 ang 35 piraso ng rifle parts, isang Glock pistol at magazines, 92 piraso ng bala at isang airgun.

Ang mga nasabing armas ay dadalhin sana umano sa Hong Kong at Taiwan na idineklara bilang general merchandise at bagong water pump.

Iniimbestigahan na ng BOC kasama ang PNP ang nasabing insidente kung saan tiniyak ng DHL ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon.

Inaalam na rin ng BOC kung saan pang mga warehouse uubrang kabitan ng x-rays.

with report from Raoul Esperas (Patrol 45)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img