Panelo pinalagan ang akusasyong wala itong alam sa kalbaryo ng mga commuters

0
9

Pinalagan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang akusasyon ni Bayan Muna Secretary General Renato Reyes na wala umano itong alam sa kalbaryo ng mga pasahero sa nangyayaring mass transport crisis sa Metro Manila.

Ayon kay Panelo, ang hindi nya pagsang-ayon sa militanteng grupo na may krisis sa transportasyon ay hindi nangangahulugang wala itong alam sa sitwasyon.

Aniya, walang mass transport paralysis kung kaya’t wala ring mass transport crisis.

Dagdag pa rito, bigo aniya ang mga grupo ng transportasyon na maparalisa ang transportasyon sa kabila ng pagkasa ng malawakang transport strike, kamakailan.

Samantala, pinayuhan ng Palasyo ang management ng LRT-2 na tiyakin ang epektibong serbisyo sa publiko nang sa gayon ay mabawasan ang nararanasang problema sa transportasyon sa Metro Manila.