Panelo humihingi ng public apology sa pamunuan ng Inquirer at Rappler

0
19

Humihingi ng public apology si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pamunuan ng Inquirer.net at sa Rappler incorporated.

Ito ay kasunod ng aniya’y malisyosong artikulo na inilabas ng dalawang media outlet kung saan nakalathala na inirekumenda ni panelo Board of Pardons and Parole (BPP) na pagkalooban ng executive clemency ang dati nitong kliyente at convicted rapist at murderer na si dating Caluan Mayor Antonio Sanchez.

Paglilinaw ni Panelo, ini-refer lamang niya ang apela ng pamilya Sanchez.

Aniya, malaki ang pagkakaiba ng referral sa inirekumenda dahil ang rekumendasyon ay may authority o pag-kumbinsi sa BPP na palayain si Sanchez.

Sinabi rin nito na malinaw na binigyang malisya ng dalawang media outlet ang kaniyang liham para yurakan ang kaniyang pagkatao.

Babala ni Panelo, sakaling mabigo ang Inquirer at Rappler na mag-isyu ng public apology ay itutuloy niya ang paghahain ng kasong libel.