Duterte mismong kinumpirma na sinibak na niya sa pwesto si Faeldon

0
14

Sinibak na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ito mismo ang kinumpirma ni Pangulong Duterte matapos madawit ni Faeldon sa kontrobersiya kung saan muntik nang makalaya ang convicted rapist at murderer na si dating Caluan Mayor Antonio Sanchez at sa paglaya rin ng mahigit isang libong preso sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Una rito, matatandaang tiniyak ng Pangulo na haharangin niya ang paglaya ni Sanchez dahil hindi naman ito kuwalipikado sa GCTA dahil sa pagkakasangkot nito sa heinous crime.

Ayon kay Pang. Duterte, hindi niya palalampasin ang pagsuway ni Faeldon sa kaniyang kautusan dahil nabunyag na pirmado mismo ni Faeldon ang release order ni Sanchez.

Samantala, sa inilabas na pahayag tiniyak naman ni Faeldon na maluwag niyang tatanggapin ang utos ng Pangulo at siya’y magbibitiw na sa puwesto.