Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Panawagang balik-ECQ sa Metro Manila ibinasura ng Malacañang

Ibinasura ng Malakanyang ang panawagan ng Philippine College of Physicians at 39 pang mga medical societies na muling maisailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, tapos nang maisilbi ang layunin ng pagpapatupad ng istriktong lockdown sa Metro Manila at sa ngayon ay kinakailangan nang maigtingin ang iba pang istratehiya para masugpo ang COVID-19.

Sinabi ni Roque, hindi sapat ang community quarantine para gamitin bilang pagtugon sa laban kontra COVID-19.

Ito aniya ang dahilan kaya pinalalakas ng pamahalaan ang kapasidad ng mga ospital sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga COVID-dedicated beds kasabay ng pagkuha ng mas maraming doktor, nurse, at iba pang medical personnel.

Dagdag ni Roque, naging bahagi ng matagal na diskusyon at debate sa pagitan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pasiyang panatilihin sa general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila mula Agosto 1 hanggang Agosto 15.

Sinabi ni Roque, nauunawan ng Malakanyang ang hirap sa pagkakaroon  ng balanse sa pagitan ng public health at ekonomiya.

Related posts

Pagtugon sa hiling na ‘time out’ ikinatuwa ng mga medical frontliners

Powered by DWIZ

LRT-1 ops nagka-aberya

Powered by DWIZ

Panelo minaliit lamang ang paratang ni Lacson sa kanya

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More