Panawagan ng pamahalaan ng Baguio magdala ng sariling lalagyan kung mamimili sa City Market

0
26
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Hinikayat ng pamahalaang lungsod ang mamamayan ng Baguio na gawin ang Baguio City Market plastic-free! Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na magdala ng inyong eco-bags para sa tuyong paninda at lalagyan para sa basang paninda.

Habang ang mga manininda sa palengke ng lungsod ay naglunsad ng donation drive para sa muling paggamit ng mga containers, eco-bags, paper bags at iba pang katulad nito na maaring ipahiram ng mga manininda sa kanilang customers na walang mapaglalagyan ng kanilang napamili na mga basang paninda.

Ang mga lalagyan ay dapat na maibalik sa susunod na pagbabalik ng mga mamimili para magamit din ng iba pa. Hinihikayat ang lahat na dalhin ang inyong donasyon sa mga designated points ng City Market. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply