Pamilya Sarmenta nagpahayag ng pangamba sa napipintong paglaya ni ex-Calauan Mayor Sanchez

0
37

Nangangamba ang pamilya Sarmenta na buweltahan sila ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa sandaling makalaya ito sa bilangguan.

Ayon kay Ginang Maria Clara Sarmenta, ina ni Eileen Sarmenta na ginahasa at ipinapatay ni Sanchez, maraming pumasok sa kanyang isipan nang mapag-alamang pwedeng makalaya si Sanchez.

Sinabi ni Sarmenta na bumalik sa kanilang pamilya ang lahat ng kanilang pinagdaanan at sakit nang mamatay ang kanyang anak.

Binigyang diin ni Ginang Sarmenta na bagamat ang lahat ng bilanggo ay dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon, dapat ay magpakita naman sila ng pagsisisi sa kasalang nagawa, na hindi nila nakita kay Sanchez.

Papaano siya magiging well-behaved, e, lahat ng bawal sa loob ng bilibid ay nasa kanya na. Meron siyang aircon, meron siyang cellphone, meron siyang plasma T.V.,tapos nahulihan siya ng maraming illegal drugs. So, paanong naging well-behaved siya doon? Hindi po namin maintindihan kung paano nila cinompute iyon,” ani Ginang Sarmenta.

Ratsada Balita Interview