2 hinihinalang miyembro ng ‘Boratong group’ patay sa buy bust ops sa Pasig

0
41

Patay ang dalawang (2) hinihinalang miyembro ng Boratong group sa buy bust operations sa Pasig City ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO)at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nanlaban di umano ang suspects na sina Jalal “Bon Jovie” Salamoden at Sampiano “Sonny” Rason nang maramdamang mga pulis ang kanilang katransaksyon sa harap ng convenience store sa Felix Avenue corner Kabayanihan St. sa Barangay Dela Paz, Pasig City.

Nagkaroon pa ng pagkakataon na makasakay ang mga suspek sa motorsiklo habang patuloy na pinapuputukan ang mga undercover agents subalit nakorner rin sila at nasawi sa palitan ng putok.

Nakuha sa mga suspek ang mga nakaplastik na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P7-M at iba’t ibang klase ng baril.