Pamilya ni PRRD, sumailalim narin sa COVID-19 test

0
15

Sumailalim na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na makaranas ng lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan sina Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio at Vice Mayor Baste.

Kinuhanan rin ng swab samples ang kapartner ng Pangulo na si Honeylet Avancena at kanilang anak na si Veronica Kitty Duterte.

Sa ngayon, inaantay nalamang na makarating ang mga sample test sa Reserach Institute for Tropical Medicine (RITM)  para sa masusing pagsusuri.

Samantala, una nang isinailalim sa COVID-19test si Pangulong Duterte at negatibo naman ang resulta nito.