Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa US, umakyat na sa 87

0
22

Umakyat na sa 87  ang bilang ng nasawi habang mahigit 4,000 naman ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.

Pinaka marami dito ay mula sa estado ng Washington at New York City.

Sinundan naman ito ng California na may kabuuang 450  kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, ang West Virginia na lamang ang tanging lugar sa Amerika na hindi pa nakakapagtala ng kaso ng COVID-19.