Pamilya ng isang taxi driver sa Lungsod ng Baguio nawalan ng tahanan dahil sa dalawang milyong pisong sunog , isang donation drive inilunsad

0
20

Isang mapangwasak na sunog dito sa Lungsod ng Baguio ang nag-iwan sa isang pamilya na wala nang matirahan. Tinatayang nasa P2 million ang mga nasirang ari-arian.

Ang sunog ay nag-umpisa sa Purok 18, Irisan noong Martes Enero a 2. Ito ang kauna-unahang sunog na naitala ngayong taon. Ang natupok ay ang tatlong palapag na bahay na pag-aari ng 62-taong gulang na taxi driver na si ginoong William Canua at ang kanyang pamilya. Ang iba pang naninirahan sa naturang gusali ay tatlong estudyente at isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology. Nagkataon na wala ni isa ang nasa gusali noon nang ang sunog ay sumiklab ng alas singko ng hapon noong araw ding yaon.

Matagumpay na pinatay ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog ng bandang alas 6:11 ng gabi. Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ano ang pinagsimulan ng sunog.

Ang barangay local government unit ng Irisan, Baguio City ay kaagad namahagi ng food packs upang tulungan ang Pamilya Canua na pansamantalang naninirahan sa mga kamag-anakan nito.

Bilang tugon sa nakakabalisang sitwasyon, si ginoong Windel Daumen ay nagsagawa ng isang donation drive upang tulungan ang mga biktima ng sunog. Binigyan diin ni Ginoong Daumen ang kahalagahan ng malinis na damit, pagkain, hygiene supplies at mga kumot.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

Leave a Reply