Saturday, May 4, 2024

Pamilya Cayetano nagtungo sa Palasyo —Roque

- Advertisement -

Nagtungo ng Malacañang ang ilang miyembro ng Pamilya Cayetano sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Miyerkules ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ilang oras lamang matapos uminit muli ang usapin sa House speakership kasunod ng naging privilege speech ni Cayetano laban kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa kamara.

Ayon kay Roque, nakipagpulong si Pangulong Duterte kina Cayetano, asawa nitong si Taguig Representative Lani, kapatid na si Senadora Pia at Deputy House Speaker Brother Eddie Villanueva.

Ani Roque, una nang naka-schedule ang pulong ni Pangulong Duterte at Villanueva para sa isang pray over at nagkataon lamang na sumabay ito sa mga kaganapan sa kamara.

Hindi naman maipaliwanag ni Roque ang dahilan ng pagpunta ng mga Cayetano sa Malacañang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img