Friday, May 3, 2024

Pambabaril Sa 2 Indibidwal Sa Tinambac, Camsur, Pinaniniwalaang Sinadya; Pagkakakilanlan Ng Suspek, Motibo Sa Krimen, Tinutukoy Pa Rin

- Advertisement -

Pinaniniwalaang sinadya ang pambabaril sa dalawang indibidwal sa Tinambac, Camarines Sur.

Una ng kinilala ang mga biktima na sina Russel Ationdo, 39-anyos, at Mark Anthony Solo, 29-anyos, kapwa residente ng Barangay Bagacay, sa naturang bayan.

Sa panayam kay PMaj. Dominic Borigas, Acting Chief of Police ng Tinambac Municipal Police Station, sinabi nito na posibleng sinundan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang naturang mga biktima.

Mababatid na habang sakay ng motorsiklo pauwi sa kanilang bahay sina Ationdo at Solo nang bigla na lamang itong paulanan ng putok ng mga suspek.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ng buhay si Ationdo.

Sa ngayon patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad, lalo na ang pagtukoy sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek gayundin ang posibleng motibo sa naturang krimen.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img