Pamangkin ni De Lima na akusado rin sa kaso ng illegal drugs arestado ng NBI

0
41

Nadakip ng National Bureau of Investigation ang pamangkin at kapwa akusado ni Senador Leila De Lima sa kanyang dalawang kaso na may kinalaman sa illegal drugs.

Halos dalawang taon ring nakapagtago sa batas si Jose Adrian Dera bago ito nadakip ng NBI sa isang bahay sa Pampanga.

Kasabwat di umano ni De Lima si Dera sa illegal drug transactions sa national penitentiary sa Muntinlupa.

Una nang itinanggi ni De Lima ang akusasasyon at kaugnayan bilang pamilya ni Dera.