China may banta sa patuloy na kilos-protesta sa Hong Kong

0
62

Nagbanta ang China na manghihimasok na ito sa hindi matigil na kilos-protesta sa Hong Kong kung hindi kakayanin ng pamahalaan doon na matigil ang kaguluhan.

Umabot na sa 10 linggo ang kilos-protesta ng mga mamamayan ng Hong Kong at marami nang negosyo lalo sa turismo ang apektado.

Ayon kay Chinese Ambassador to London Liu Xiaoming, nasasaad sa mini constitution ng Hong Kong ang kapangyarihan ng China na kumilos upang mapigil ang isang namumuong rebelyon.

Una rito, daan-daang peoples armed police ng China ang namataang nagsasagawa ng pagsasanay sa isang sports stadium sa Shenzhen na nasa border ng Hong Kong.