Pamahalaang lungsod ng Baguio na magsasagawa ng programang Community Based Eco-Cultural Tourism

0
25
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Plano ng pamahalaang lungsod na magtayo ng integrated eco-cultural tourism complex naglalayong susuporta sa mga gawaing pangturismo na upang makabawi ang Baguio mula sa sinapit nitong pandemniya.

Ang naturang plano inihalad ng pinuno ng opisinang pangturismo sa lungsod na si Alec Mapalo sa isinagawang management committee meeting sa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong sa City Hall.

Inihayag ni Mapalo ang kanyang tinatawag na CHALLOK o ang Country Club, Happy Hallow, Atok Trail, Lucnab, Loakan, Outlook, Kias Ecopark Communities, na maaring paunlarin bilang lugar na pangturismo sa pagiging makalikasan at ang pagsasalin ng kultura na nagnanais na pangalagaan ang kagubatan at itaguyod ang kultura ng mga tiga roon.

Anya ang panukalang paggawa ng tinatawag na Ecopark communities ay magbibigay ng kabuhayan sa mga naroon na maari nilang pamahalaan. Kanyang sinabi na ang naturang proyekto ay naayon sa branding campaign ng lungsod ng baguio na tinatawag na breath Baguio.

Ang ilan sa mga makikita doon ay ang view decks sa ilan sa piling mga lugar, ang arts and crafts shops, mga garden ng bulaklak, maaring mag camping ‘doon, maari rin sumakay ng kabayo dahil sa may eco-trails sa paligid nito, may cable cars na nag uugnay sa bawat isang kommunidad at marami pang iba. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply