Pamahalaang lungsod ng Baguio makikipag-ayos sa mga natitinda sa Wright Park

0
10
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Binigyang pahintulot ng lokal na konseho si Mayor Benjamin B. Magalong upang makipag usap sa mga miyembro ng Wright Park Vendors Association bilang mga umuupa sa Wright Park.

Bilang karagdagan, ang mayor ay binigyan ng pahintulot na pumirma sa kasunduan na magtatakda ng karapatan at obligasyon ng magkabilang partido.

Ang City Resolution No. 326, series of 2024 ay nagbibigay pahintulot sa Ama ng Lungsod na makipag usap sa Wright Park Vendors Association para sa pagbabago ng kasunduan na ipapasok sa pagitan ng dalawang panig at isama ito kaugnay sa back rentals o atraso kung mayroon man.

Ganon pa man, kung anuman ang makapagsunduan sa pagitan ng dalawang panig ay dadalhin sa lokal na konseho ng lungsod para sa konpirmasyon.

Kamakailan lamang, ang lokal na konseho ay isinaalang alang ang position paper na may petsa na may na April 22, 2024 sa pamamagitan ni Atty. Ryan James D. Solano, ang abogado ng Wright Park Vendors Association, kaugnay sa paunawa na pagbabayad na ipinalabas ng City Treasury Office na humihingi ng kabayaran para upa ng lupa mula sa nagtitinda na kasapi ng naturang assosiasyon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply