Pamahalaan ng lungsod ng Baguio nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng pagsabog ng LPG sa Barangay Gabriela Silang

0
2
photo courtesy by Bonie Alcantara

Baguio City – Madaling araw ng umaga noong Mayo 29, 2024 tinatayang alas 5:12 ng umaga, isang pagsabog ng LPG ang naganap sa Gabriela Silang Barangay.

Ang pagsabog ay bahagyang nasira ang ilang sa mga bahay ng pitong pamilya at ang pagsugat pitong katao.

Bilang pagtugon, ang tauhan ng CSWDO sa pangunguna ni Myrna Valencerina at Shamira Daweg, kasama ang Admin Officer na si Ginoong Dennis Ong, ang nagbigay ng psychological first aid at tulong pinansial sa mga naapektuhang pamilya at indibidual.

Ang Emergency shelter assistance ay isinagawa agad para sa pitong pamilya na ang mga tahanan ay bahagyang nasira, na kabuang halaga na ang inilaan P55,000.00 para magamit sa mga agarang pagkumpuni sa mga ito.

Sa pitong kataong nasugutan, tatlong ang pinalabas na mula sa ospital at tumanggap ng isang libong piso bawat isa upang ibili ng kinakailangang gamut. Habang ang natitirang apat na biktima ay patulong ang pagtanggap ng paggamot sa Baguio General Hospital and Medical Center, na ang bawat isa ay tumanggap ng P10,000 upang tustusan ang kanilang medical expenses upang tuluyan ng gumaling.

Karagdagan sa tulong pinansial, ang labing isang nangungupahan na naging biktima ng pagsabog ay binigyan ng family food packs upang matiyak na sila ay may makukuha ng pangunahing pangangailangan.

Patuloy ang pagbibigay ng tulong kabilang rito ang isanasagawang psychological na pagtulong ng CSWDO sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development – Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR) at ng iba pang mga ahensiya. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply