Pamahalaan ng Laguna nag alok ng pabuya sa makakapagturo sa suspek sa ‘grade 7 slay case’

0
57

Nag-alok ng 100,000 pisong pabuya ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek sa pagpatay sa 15 anyos na grade 7 student sa Calamba, Laguna.

Inihayag ito ni Laguna Governor Ramil Hernandez kasabay ng isinagawang flag raising ceremony sa harap ng kapitolyo ngayong araw, isang linggo mula nang maganap ang karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Gov. Hernandez, ikinakasa na rin ang kasong murder laban sa suspek na si Renando Valderama na nagtatago rin sa mga alyas na ‘Renz Ivan’ at ‘Renan’.

Magugunitang pumasok si Valderama na isang security guard sa silid aralan ng biktima sa Castor Alviar National Highschool at saka ito binaril sa ulo