Ballistic exam sa baril ng mga pulis na nagkasa ng operasyon sa Rodriguez, Rizal isasagawa

0
57

Nagsagawa ng re-enactment ang Philippine National Police sa nangyaring buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal na ikinasawi ng isang tatlong taong gulang na bata.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, layunin nito na malaman kung sino talaga ang naka-baril at nakapatay kay Myca Ulpina matapos gawin siyang human shield ng kaniyang ama na target ng ikinasang operasyon.

Kasunod nito, inatasan din ng PNP chief ang hepe ng Rizal Provincial Police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pangyayari.

Makatutulong din aniya ang resulta ng autopsy sa bata upang malaman kung kaninong baril ang nakapatay sa kaniya na ayon sa PNP chief ay isang nakalulungkot na pangyayari.

Magugunitang 20 pulis kabilang na ang hepe ng Rodriguez PNP ang sinibak sa puwesto upang bigyang daan ang patas na imbestigasyon habang isasailalim naman sa pagsusuri ang baril ng mga ito na ginamit sa operasyon