Saturday, May 4, 2024

Pamahalaan ‘di pahihintulutang labagin ng mga dayuhan ang batas sa PH —Panelo

- Advertisement -

Nanindigan ang Malacañang na hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang mga dayuhan na labagin ang batas sa Pilipinas.

Ito ang ibinabala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng mga kumakalat na video sa social media kung saan makikita ang hindi magandang asal ng mga dayuhan, partikular na ng mga Chinese nationals.

Kabilang sa mga nag-viral na post na umani ng batikos sa mga netizen ay ang litrato ng isang Chinese national na dumudumi sa intramurals, ang litrato ng tatlong Chinese nationals na umiihi sa kalsada sa Ayala Avenue, at ang video kung saan sinampal umano ng isang dayuhan ang delivery boy matapos siya nitong hingan ng identification card.

Ayon kay Panelo, malinaw ang batas na ipinatutupad sa bansa kung saan sakop ng immigration law sa Pilipinas ang lahat ng dayuhan na nanatili sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa ngayon, tiniyak ni Panelo na iniimbestigahan na ng mga otoridad ang lahat ng ulat ng paglabag ng mga dayuhan sa batas, at mahaharap ang mga ito sa kaukulang parusa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img