Palasyo tiniyak na maayos pa rin ang relasyon ng China at Pilipinas

0
59

Tiniyak ng MalacaƱang na maayos pa rin ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng patuloy na bangayan ng dalawang bansa sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, sa katunayan ay bibisita pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para dumalo sa belt and road forum sa darating na Abril.

Inaasahan namang talakayin nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa nasabing forum ang mutual concerns ng dalawang bansa lalo na sa ugnayan sa kalakalan, seguridad at iba pa.

Sakaling matuloy si Pangulong Duterte sa nasabing pagpupulong sa darating na Abril, ito na ang ika-apat na beses na bibisita ang Pangulo sa China.

—-