17 NDF consultants target arestuhin ng militar

0
65

Target na arestuhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang natitira pang labing pitong (17) mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ay matapos na tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pang kapayapaan sa CPP–NPA–NDFP.

Ayon kay Major General Rhoderick Parayno, Commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, anim pa lamang ang naaresto mula sa 23 na binigyan ng safe conduct pass ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Parayno na dahil opisyal nang kinansela ang peace talks ay wala nang bisa ang ipinagkaloob na safe conduct pass sa mga miyembro ng rebeldeng grupo.

—-