28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Palasyo tiniyak hindi maaapektuhan ang trabaho sa kabila ng pagbibitiw ng 8 gabinete

- Advertisement -

Tiniyak ng Malakanyang na hindi maaapektuhan ang trabaho ng gabinete kahit pa halos walong miyembro nito ang magbibitiw sa pwesto para sumabak sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magiging problema para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang magtalaga ng kapalit ng mga magbibitiw na opisyal.

Sa katunayan aniya sa isang posisyon nababakante ay may 100 katao ang interesado dito.

Sinabi din ni Roque na kahit may mabakanteng posisyon ay otomatiko namang may itinatalagang officer-in-charge upang hindi masakripisyo ang mga iiwang trabaho.

Ilan sa mga napaulat na magbibitiw sa pwesto para maghanda kanilang pagtakbo sa local position ay sina Cabinet Secretary Jun Evasco, TESDA Director Guiling Mamondiong, Special Envoy Abdullah Mama-O.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -