36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

LRT-2 at MRT-3 may libreng sakay sa mga guro ngayong araw

- Advertisement -

Magkakaloob ng libreng sakay sa mga guro ang Light Rail Transit-2 (LRT-2) at Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong araw.

Ito ay bilang pakikiisa sa taunang selebresyon ng “World Teachers’ Day”.

Batay sa abiso ng pamunuan ng LRT-2, magsisimula ang libreng sakay para sa mga guro alas kwatro y media ng madaling araw hanggang alas diyes y media ng gabi.

Habang sa MRT-3 naman ay magsisimula ng ala singko y media ng umaga hanggang alas diyes y media ng gabi.

Mangyaring iprisinta lamang umano ng mga guro ang kanilang school o faculty ID, DepEd o PRC license ID para ma-avail ang libreng sakay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -