Friday, May 3, 2024

Palasyo nagpa-alala sa publiko sa paggunita ng Undas

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Malakaniyang ang publiko na maging maingat, mapagmatyag at alerto ngayong paggunita ng Undas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito lamang ay para matiyak ang kaligtasan ng lahat lalo’t inaasahang bibyahe ang marami para umuwi sa kani-kanilang lalawigan.

Hinikayat din ni Panelo ang mga magtutungo sa sementeryo na pumunta na ng maaga para hindi na makipagsabayan pa sa maraming tao at mahirapang hanapin ang dadalawing puntod.

Samantala, inaasahan namang dadalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kaniyang mga magulang sa Davao City bago lumipad patungong Thailand para dumalo sa regional summit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img