Palasyo hinikayat ang mga Pinoy na iwasan muna ang bumiyahe pa-Hong Kong

0
39

Hinikayat ng Malacañang ang mga Pilipino na isantabi muna kung may plano mang magtungo sa Hong Kong.

Ito, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ay bunsod pa rin ng lumalalang anti-government protests na humantong pa sa biglaang pagpapahinto ng operasyon ng Hong Kong airport.

Ayon kay Panelo, hindi ito ang tamang panahon para lumipad pa-Hong Kong na isa sa mga sikat na international destinations ng mga Pinoy.

Avoid muna going there. That’s the advice,” ani Panelo.

Samantala, magugunitang sinabi ng Palasyo ng wala itong planong mag-isyu ng deployment ban sa Hong Kong.