Monday, April 29, 2024

DILG pinaalalahanan ang mga pulis na labag sa batas ang pagtanggap ng regalo

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Dept. Of Interior And Local Government (DILG) ang mga pulis na labag sa batas at sa kanilang sinumpaang tungkulin ang pagtanggap ng regalo mula sa publiko.

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, bagaman may nakasaad sa batas na “exception” dapat isaisip ng mga tauhan ng gobyerno at ng mga tauhan ng PNP na hindi nababayaran ang kanilang serbisyo.

Aniya, ang buwis ng taumbayan ang ibinabayad sa mga tauhan ng pamahalaan kaya’t hindi na dapat pang tumanggap ang mga ito ng kahit anumang regalo mula sa publiko.

Dahil dito, sinabi rin ni Año na mapananagot sa kasong kriminal ang mga pulis, maging ang mga empleyado ng DILG na tatanggap ng regalo o pera habang ginagampanan ang tungkulin.

Magugunitang, nabanggit ni Pang. Rodrigo Duterte na hindi dapat masamain ang pagtanggap ng mga pulis ng regalo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -