33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

PAL naglagay ng special flights; biyahe ng CebuPac balik normal na

- Advertisement -

Naglagay ng mga special flights ang Philippine Airlines o PAL para sa kanilang mga stranded na pasahero.

Kasunod ito ng mahigit isang araw na pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA bunsod ng pagsadsad ng eroplano ng xiAmen Airlines noong Huwebes.

Kabilang sa mga inilagay na special ng flights ng PAL ang biyahe patungong Vancouver Canada na nakatakdang umalis mamayang alas-6:00 ng hapon.

Gayundin ang make up flights na patungong Riyadh at Damam sa Saudi Arabia na nakatakda namang umalis bukas ng alas-11:40 ng umaga.

Samantala, inanunsyo naman ng Cebu Pacific na balik na sa normal ang kanilang mga local at international flight operations.

Sa abiso ng Cebu Pacific, kanilang sinabi na wala silang mga kanseladong biyahe ngayong araw maliban na lamang kung magkakaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng lagay ng panahon at iba pang teknikal problem.

Kasabay nito, muling humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa mga naabalang pasahero dulot ng mga nakanselang biyahe nitong mga nakaraang araw.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -