Naga City tiniyak na kaisa sa laban kontra iligal na droga

0
51

Iginiit ng pamahalaang panlungsod ng Naga na kaisa sila at patuloy na nakikipagtulungan sa kampanya ng national government laban sa iligal na droga.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hotbed ng shabu ang Naga City.

Ayon kay Naga City Mayor John Bongat, kanilang ikinagulat ang pahayag ng Pangulo lalo’t may mga pinatutupad silang laban sa iligal na droga.

Kinuwestiyon din ni Bongat ang timeline o panahon na tinukoy ni Pangulong Duterte kung kailan naging hotbed ng shabu ang Naga City.

“Anong time frame ‘yung tinatawag na past years na naging hotbed ang Naga ng shabu, gusto din nating malinawan, ang lungsod ng Naga naman ay nakikipagtulungan sa initiatives against illegal drugs, marami kaming programa, meron kaming Naga City Dangerous Drugs Board, nakikipagtulungan kami sa mga awtoridad para masugpo ang droga on a very regular and sustainable basis.” Ani Bongat

Ipinaliwanag din ni Bongat ang naging pasiya ng pamahalaang panglungsod ng Naga na magpalabas ng resolution of indignation.

Aniya, nilalaman ng resolusyon ang pangkalahatang pananaw ng mga taga-Naga hinggil sa pahayag ng Pangulo.

“Ibig sabihin hindi sang-ayon doon sa nabitiwang salita ng ating Presidente pero siyempre kailangan meron ding may mga particulars, basehan para mapagtulungan kung anong dapat gawin, at ano ba ang kalagayan at sitwasyon ng iba pang lungsod sa buong Pilipinas.” Pahayag ni Bongat

(Ratsada Balita Interview)