PAL Holdings President Lucio “Bong” Tan Jr. pumanaw na

0
15

Pumanaw na ang Presidente ng PAL Holdings at head coach ng University of the East Red Warriors na si Lucio “Bong” Tan Jr., sa edad na 53.

Ito mismo ang kinumpira ng kanyang kapatid na si Vivienne Tan.

Ayon kay Vivienne Tan pumanaw si Tan Jr. kaninang 8:48 ng umaga, Lunes, Nobyembre 11 dahil sa brain herniation.

“It is with deep sorrow that I announce the passing of my brother, Lucio “Bong” Tan Jr. this morning, November 11, 2019. He was 53. His untimely passing leaves a big void in our hearts and our Group’s management team which would be very hard to fill,” nakasaad sa statement.


Magugunitang dinala si Tan Jr. sa Cardinal Santos Medical Center matapos mawalan ng malay habang naglalaro ng basketball noong Sabado, Nobyembre 9.

Si Tan ang anak ng business tycoon billionaire na si Lucio Tan Sr.