Pahayag ni Sison kaugnay ng kudeta kay PRRD hanggang panaginip lang – Palasyo

0
28

Sinopla ng Malakaniyang ang pahayag ni CPP-NPA at NDF Founding Chairman Jose Ma. Sison na kakayanin umano ng Amerika na ipa-kudeta sa AFP at PNP si Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, hanggang sa panaginip na lamang ni Sison aniya posibleng mangyari ang kaniyang mga pinagsasa-sabi

Ang mga ganitong pahayag ni Sison ani Panelo ay mula sa isang matanda, pagod at bigong pinuno ng tinatawag na Rebolusyonaryong Grupo

Banat pa ni Panelo kay Sison, malakas umano itong magsalita laban sa pamahalaan gayung nagpapasarap naman ito sa ibang bansa habang ang kaniyang mga tauhan dito sa pilipinas ay naghihirap sa kabundukan habang nakikipaglaban sa pamahalaan