Pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa pangingisda ng China sa EEZ ng Pilipinas kinatigan ni Lacson

0
50

Kinatigan ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito mapipigilan ang pangingisda ng mga tsino sa loob ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Lacson, mabuti na lamang ay nilinaw ni Pangulong Duterte ang nauna nitong pahayag na pinapayagan niya ang pangingisda ng mga Tsino sa EEZ ng bansa.

Binigyang diin ni Lacson, magkaiba ang pagpapahintulot sa pagpapasok ng mga Chinese vessel at ang kawalan ng kakayanan na pigilan ang mga ito.

Dagdag pa ng senador, kahit na may arbitral ruling na nagdedeklarang bahagi ng EEZ ng Pilipinas ang West Philippine Sea, hindi naman aniya ito maipatutupad ng pamahalaan.

Ang tanging magagawa lamang aniya ng Pilipinas ay ang mag-exercise ng sovereign rights at hindi soberenya sa West Philippine Sea.

(with report from Cely Ortega- Bueno)