Pag aangkat ng baboy galing Laos ipinagbawal narin ng D.A dahil sa African Swine Fever

0
56

Ipinagbawal na rin ng D.A o Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga alagang baboy gayundin ng mga produktong karneng baboy galing Laos.

Batay ito sa ipinalabas na memorandum order ni Agriculture Secretary Manny Piñol para mapigilan aniya ang pagpasok ng African Swine Fever sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkakabilang ng Laos sa listahan ng mga bansang apektado na ng African Swine Fever.

Una nang kinumpirma ng director general ng Department of Livestock and Fisheries of the Ministry Agriculture and Forestry ng Laos ang outbreak ng African Swine Fever sa bayan ng Toumlan, Saravane.